Saturday, September 19, 2009

Ulap. Hamog. Langit.

...

Thursday, July 23, 2009

Eclipse.

Kung susumahin..

Isang daang taon ng pagkabilanggo.
Sampung taong hindi pag-ngiti.
Limang taong pag-iisip.
Isang taong niluha.

Isang '...' hindi sasapat sa ilang libong taong pagkatalo mo sa emosyon.
Dinaig mo pa ang 333 years na pagsakop ng Espanya sa Pilipinas..
o ang ilang taong world war..

Iiyak ka ngayon kasi nadama mo ang tusok ng ilang libong taong sinakop nito ang iyong pandamdam..

Ika nga ni Marx, "..however the point is to change it."

Sunday, July 12, 2009

Gusto ko lang.

Oo. Self-inflicted.

Gusto ko lang. Oo, mali.

Malabo ba? Oo, malabo talaga.

Friday, July 3, 2009

*...*

*beep* *beep* *beep*

Paulit-ulit ang busina ng taxi sa mga kotseng nasa unahan. Malakas ang patak ng ulan sa labas ng bintana. Nakadungaw ka. Nakadungaw, nag-iintay sa bawat minuto kung aandar na ba ang taxi. Hinahabol mo ang iyong relo, curfew mo na kasi sa dorm. Nagpipilit ang mga paa mo, ayaw mo kasi ng violation. Pero pilit mo pa ring pinapakalma ang iyong sarili. Ok lang, aabot ka.

*brroooom*

Kumaripas ng takbo ang taxi. Alam mong mahal ang babayaran mo, taxi kasi yun at hindi jeep. Ang 8php mo sanang pamasahe magiging 70php. Pero, ok lang. Basta maabutan mo ang curfew. Pumasok ang taxi sa entrance ng unibersidad, sumilip ka muli sa bintana. Tanaw mo ang malawak na field. Tanaw mo ang lahat sa campus. Tumingin ka sa tabi mo, tanaw mo rin ang layo.. ang layo.. ang layo layo talaga. Hindi mo naman matanaw. Ang labo. Ang labo pala ng kabilang bintana, puro hamog.

*para*

Tumigil ang taxi, bumaba ka. Binayaran mo ang 70php na bill kay manong. Sinarhan mo ang pinto, tumalikod at tumawid papunta sa kaliwang bahagi ng kalsada. Naglakad ka. Sinundan ang mga paang kanina pa nagyayayang umuwi. At nakarating ka rin sa wakas.

*blaaaagh*

Gumalabog ang pinto ng iyong kwarto. Nagmamadali ka dahil ihing-ihi ka na.

*swooosh*

Binuksan mo ang electric fan dahil nainitan ka bigla. Pumikit ka. Dumilim. At madilim, nakatulog ka na pala.

O_o

Saturday, May 30, 2009

May gusto akong gawin.

"Skeleton you are my friend
But you are made of bone
And you have got no flesh and blood
Running through you to help protect the bone"

Umiikot ang kanta sa isip ko.
Tumatakbo ito, may hinahabol.

Takbo.. Takbo.. Takbo pa..

May gusto akong gawin e. Oo, di ko lang alam kung ano.
Parang kapag ginawa ko, makukumpleto ako. O_o

Takbo pa..

(Walang kinalaman ang kanta sa gusto kong gawin)

Ngunit ano ang nais kong gawin? Hindi ko talaga alam. Iikot. Ikot pa. Walang pumapasok sa isip ko kundi 'Gawin mo' Ang alin ba? Gawin ang alin?

Wednesday, May 13, 2009

Free Hugs ;)

It's a 'blah'

Ide-define ko ang salitang 'pagod', 'tired' sa ingles!

Ewan, nagsimula ang lahat sa isang ngiti, sa isang tawa, sa isang kurap ng mata.
"Tapos di mo na ulit maalala.."

Tumakbo ka, ang bilis hanggang sa marating mo ang kawalan. Madilim, nangangapa ka.. patuloy ka lang, ilang beses ka ng nadapa.. Go pa rin, ika nga nila.

Ay, nakalimutan kong ide-define ko pala ang salitang 'pagod'.
Heto ang listahan..

1. Pinagpapawisan ka na
2. Hinihingal ka
3. Nauuhaw ka na
4. Gusto mo ng umupo at magpahinga
5. Gusto mo ng sumuko
6. Masakit na
7. Sobra na, di mo na kaya
8. Umaapaw na ang sobrang likido sa iyong katawan
9. Tumutulo na ang luha, sa kanan o sa kaliwa
10. Ayaw mo na..

PERO, Kelan ka tumigil?

"Ewan ko"

Pagod ka na o gusto mo pa?

"Ewan ko"

Kung "ewan" lang ang isasagot mo, di mo malalaman kung pagod ka na nga ba o hindi pa o baka naman di mo lang maamin na pagod ka na? Dapat alam mo rin hanggang saan ang kaya mo, ang limitasyon mo. Kung pagod ka na, tumigil ka na.